Filipino News Writing Exercise: Smuggling ng metal

Here’s an exercise for news writing in filipino.

PANUTO: Sumulat ng isang balita, base sa mga sumusunod ng detalye ng balita. Gawan ito ng ulo/headline.

  • Nagreklamo ang mga lokal ng manufacturer ng mga produktong bakal laban sa umano’y talamak na pagpapalusot ng “finished metal products” 
  • Nagtataka ang mga nagrereklamo kung paano nailusot ang mga steel rods sa presyong mas mababa sa presyo ng scrap metals.
  • Ang paliwanag ng Cebu Customs sa mga nagrereklamo ay “transaction value method” ang ginamit para malaman ang buwis at taripa sa mga imported products.
  • Sa sistema ng “transaction value method” tanging dokumento lang ng shipment na nakalagay ang presyo at notaryado sa pinanggalingan ng produkto ang kailangan. Pwedeng tanggapin na lamang ito ng customs collector kahit na may iba pang prescribed BOC valuation methods and references para ma-double check ang deklaradong presyo.
  • “Kung seryoso ang BOC na sawatain ang technical smuggling, madali lang, kung mahigpit nilang i-enforce ang Valuation Procedure o kaya dapat i-cross reference yan sa Metal Bulletin Weekly, Steel Business Briefing of London o MySteel ng China kung saan makikita ang tamang presyo ng bakal o metal,” sabi ng tagapagsalita ng mga nagrereklamo.
  • Ang reklamo ay nagmula sa Philippine Iron and Steel Institute at Galvanized Iron Wire Manufacturing Association at ipinarating kina Department of Finance (DOF) Sec. Cesar Purisima at Bureau of Customs (BOC) Commissioner Ruffy Biazon.
  • Ang Philippine Iron and Steel Institute at Galvanized Iron Wire Manufacturing Association ay may annual sports festival kung saan nagsasama-sama ang lahat ng mga miyembro mula sa buong bansa para makipagtagisan ng galing sa iba’t ibang isports tulad ng figure skating at gymnastics.
  • Ang inirereklamo ay isang kumpanya na naka-base sa Mandaue at mayroong maliit na steel rolling plant. Ang kumpanya ay ang pangunahing nag-aangkat ng finished steel products tulad ng ‘smaller sized steel wire rods’ na nirorolyo para maging ‘reinforcing steel bars’ at ibinebenta sa mga hardware store para sa mga maliliit na construction projects.
  • Ang reklamo ay nagmula sa mga local na manufacturer ng mga steel products sa Cebu.
  • Ang mga ‘finished metal products’ ay ibinebenta sa mas mababang halaga kaysa sa scrap metal.

The original article can be found here:

Smuggling ng bakal talamak daw

About these ads

One thought on “Filipino News Writing Exercise: Smuggling ng metal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s